Alvarez

Alvarez: Suportahan ang Cha-Cha

Mar Rodriguez May 8, 2023
175 Views

NANANAWAGAN ang isang senior congressman sa mamamayang Pilipino na magkaisa para isulong ang Charter Change (Cha-Cha) o pag-amiyenda sa 1987 Philippine Constitution kasunod ng pagpapalit sa sistema at porma ng pamahalaan sa pamamagitan ng federalism.

Naniniwala si dating House Speaker at Davao del Norte 1st Dist. Congressman Pantaleon “Bebot” D. Alvarez na malaki ang magagawa ng Cha-cha at ang pagpapalit sa sistema ng gobyerno upang tuluyang umangat ang ekonomiya ng Pilipinas na magbibigay din ng maraming oportunidad.

Sinabi ni Alvarez na ang pangunahing makikinabang sa Cha-Cha at pagsusulong sa federalismo ay ang iba’t-ibang rehiyon para lalo silang umunlad hindi lamang sa larangan ng kanilang kabuhayan. Kundi ang ekonomiya mismo ng isang lalawigan partikular na kung ito’y itinuturing na mahirap.

Binigyang diin ng kongresista na masyado na aniyang napag-iiwanan ang Pilipinas ng ibang mga bansa partikular na ang Vietnam. Sapagkat laging nahuhuli ang mga Pilipino sa pamamagitan ng Foreign Direct Investments (FDI).

“Charter Change is is not just a political issue. It’s a moral imperative, we owe it to our children and future generations to create a better, more prosperous Philippines. We cannot afford to remain stagnant while other countries are moving forward. Nalagpasan na tayo ng ibang bansa,” ayon kay Alvarez.

Bukod dito, nakikita din ni Alvarez ang “parliamentary form of government” bilang epektibong sitema ng pamahalaan kumpara sa kasalukuyang sistema ng ating gobyerno na isang presidential.

“I believe that at parliamentary form of government is worth exploring given that it may be more efficient and stable than a presidential form of government which is prone to instability and lack of continuity regarding long-term policies essential to pull the country out of its lacklustre orbit,” sabi pa ni Alvarez.