Calendar
Romualdez umapela sa mga kongresista na ipagpatuloy ang sipag alang-alang sa mga Pilipino
UMAPELA si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez sa kapwa nito kongresista na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap at pagpupunyagi sa kanilang mga trabaho na naging tatak o hallmark ng kasalukuyang 19th Congress para sa kapakanan at interes ng mamamayang Pilipino.
Sa pagbabalik ng session ngayong araw, nagbigay ng maikling mensahe si Speaker Romualdez para sa mga kapwa nito mambabatas na sa mga nalalabing araw ng session ng Kamara de Representantes bago ang “adjournment sine die”. Kailangan nilang i-maximize ang lahat ng oras para matamo ang kanilang “objective” na maipasa ang lahat ng “common legislative agenda”.
Sinabi ni Speaker Romualdez na nakatakda rin siyang makipag-pulong sa kaniyang mga ka-partido (Lakas-Christian Muslim Democrats) para pag-usapan kung papaano nila susulitin ang nalalabing apat na linggo bago sila mag-adjourn upang tiyakin na maipapasa ang mga mahahalagang panukalang batas.
“Later this afternoon I will engage with our party leaders to see how we can make sure that the remainder of this four weeks before we adjourn sine die is used most efficiently and maximized so we can achieve our goals in making sure that the common legislative agenda, not just both houses but that of executive are achieved,” sabi ni Speaker Romualdez sa kaniyang mensahe.
Kasabay nito, malugod din na ibinalita ng House Speaker ang naging tagumpay ng official state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Estados Unidos (US) at United Kingdom kasunod ng paghaharap nila ni US President Joe Biden at pagdalo naman nito sa koronasyon ni King Charles.
“This trip was the most productive and most successful one and has brought Philippine US relations to its greatest heights in the recent years. I’m proud to say that we in conjunction with the Executive had done our work with our counterparts in the Capitol hills in furthering and in enhancing and deepening the relationships between the two countries,” ayon kay Speaker Romualdez.
Sinabi pa ng House Speaker na kasama nito sa naging state visit ng Pangulo sa Washington DC at mga dinaluhan nitong meetings sina House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales at Navotas Lone Dist. Congressman Toby Tiangco.