Teves muling hinimok ni Speaker Romualdez na umuwi, harapin mga alegasyon

97 Views

MULING hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na umuwi na sa bansa at harapin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya.

“Rather than evade investigation by Philippine law enforcement agencies, Cong. Arnie should return home immediately and face the accusation against him,” sabi ni Speaker Romualdez. “I had repeatedly assured him that the House of Representatives will secure his personal safety upon his return to the Philippines.”

Ikinababahala rin umano ng Kamara ang ulat ng Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) na naghain ng aplikasyon para sa political asylum si Teves sa Timor Leste.

“I discourage any attempt by our colleague, Cong. Arnie, to seek refuge in other country and abandon his sworn duty to serve as Member of the House of Representatives,” sabi ng lider ng Kamara.

Kung patuloy umanong hindi babalik sa trabaho si Teves matapos ang kanyang 60-araw na suspensyon ay mapipilitin umano ang House Committee on Ethics and Privileges na muling magsagawa ng pagdinig at ikonsidera ang pagpapataw ng panibagong disciplinary action laban sa kanya.

“This is our recourse in order to preserve the dignity, integrity and reputation of the House of Representatives,” giit ni Speaker Romualdez.

Inaprubahan ng Kamara ang pagpapataw ng suspensyon kay Teves matapos itong hindi bumalik sa bansa kahit na expired na ang travel authority na kanyang ginamit sa pagpunta sa Estados Unidos.