Speaker Martin G. Romualdez pinuri pamahalaan ng Timor-Leste matapos ibasura ang hiling na “political asylum” ni Teves

Mar Rodriguez May 11, 2023
100 Views

PINURI ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang pamahalaan ng Timor-Leste matapos ibasura ang hirit ni Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na political asylum.

Ayon sa House Speaker, tama ang desisyon ng Timor Leste na wag pagbigyan ang rekwes na ito ng suspended congressman na itinuturong sangkot sa Degamo slay case.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Speaker Romualdez kay Teves na umuwi na ng bansa, magreport sa Kamara at harapin ang mga akusasyon na ipinupukol sa kanya.
Pahayag ng Speaker, na-deny na ang kanyang hiling na political asylum kayat dapat na aniyang bumalik ito ng Pilipinas

Sinabi ni Speaker Romualdez na dahil kung hindi, posibleng patawan ng panibagong sanction ng Ethics committee si Cong. Teves.

Sa ngayon, nasa Indonesia ang House Speaker bilang bahagi ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na dumalo sa ongoing summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).