BBM2

PBBM hinimok si Teves na umuwi na

114 Views

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na umuwi na sa Pilipinas.

“Come home. That’s the best advice I can give him. Come home,” ani Pangulong Marcos ng tanungin kung ano ang mensahe nito kay Teves, na nauna ng sinuspendi ng Kamara de Representantes matapos na hindi umuwi sa bansa kahit na expired na ang travel authority nito.

Sinabi ni Marcos na nakausap nito si Timor Leste Prime Minister Taur Matan Ruak sa sideline ng 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Labuan Bajo, Indonesia.

Ayon kay Pangulong Marcos nag-aplay ng political asylum si Teves sa Timor Leste subalit hindi ito pinagbigyan.

“It turns out that Congressman Arnie Teves applied for political asylum but was denied. Yun lang (That’s it),” sabi ni Pangulong Marcos. “So, I think they will continue to go through the process— may appeals process for those who are applying. Yun, but na-deny.”

Sinabi ni Marcos na hihintayin na lamang nito ang proseso na matapos.

Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.