Supreme sacrifice ng mga ina sa iba’t-ibang panig ng mundo kinilala ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez May 14, 2023
126 Views

KINILALA ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang malaking sakripisyo o ang “supreme sacrifice” na ibinibigay ng lahat ng ina sa iba’t-iabg panig ng mundo para sa kapakanan at kagalingan o welfare ng kanilang mga anak kaugnay sa selebrayon ng “Mother’s Day” ngayong araw (May 15).

Nagbigay pugay si Speaker Romualdez sa pagdiriwang ngayong Linggo (May 5) ng Mother’s Day kasundo ng taos pusong pagbati nito sa lahat ng nanay sa pagasasabing nawa’y matamo nila ang kapayapaan at kaligayahan sa kanilang buhay.

“I join the whole world in celebrating the life of that very, very special person who has sacrificed a lot ,see us all succeed, put our needs first before their own and seek our highest good no matter that costs for them,” sabi ng House Speaker.

Pinasalamatan din ng House Speaker ang kaniyang nanay na si Mama Juliette at maybahay nitong si TINGOG Party List Congresswoman Yedda Marie K. Romualdez dahil sa kanilang hindi masusukat at walang kaparis na pagmamahal para tiyakin ang magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak.

“I am speaking about our mothers – mama, mom, inay, ina – who we dearly love for giving us the best of their lives. My own mother, Mama Juliette has made us her children and her apos the center of her universe. And I also pay tribute to my wife, TINGOG Party List Rep. Yedda Marie K. Romualdez, who is a devoted mother to our four children,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Kaugnay nito, nagbigay pugay din sina Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona at 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., para sa mga nanay na nagsabing “unprecedented” o hindi kayang pantayan ang sakripisyo ng mga ina para sa kanilang mga anak.

Sinabi ni Madrona, kilalang deboto ng Mahal na Birhen, na ang ating mga nanay ay kalarawan ng Mahal na Birheng Maria na nakahandang magsakripisyo para sa kapakanan, welfare at kaligtasan ng kaniyang minamahal na anak gaya ng ipinakita aniya ng Birheng Maria para kay HesuKristo.

Binigyang diin ni Madrona na maaaring magkaroon ang isang tao ng napakaraming kaibigan. Kung saan, pupuwedeng mapalitan ang isang kaibigang nawala. Subalit hindi aniya kailanman mapapalitan ang isang ina.

Ipinabatid naman ni Romero na sa mga nakalipas na panahon, ang mga ina parin ang maituturing na mayroong mas malaking sakripisyo para sa isang pamilya. Sapagkat ang lagi umanong iniisip ng isang nanay ay kung papaano nito maitataguyod ng maayos ang kaniyang pamilya.

Para kay Romero, hindi umano kayang tumabasan ng kayamanan at material na bagay ang sakripisyong ibinibigay ng mga nanay para sa kapakanan ng kaniyang pamilya. Dahil ang pagmamahal ng isang ina para sa pamilya nito ay maituturing na “supreme sacrifice” o itataya niya ang lahat para sa kaniyang pamilya.