Apektadong OFW sa work visa suspension ng Kuwait tutulungan– DFA

175 Views

TUTULUNGAN ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng ipinatutupad na suspensyon ng Kuwait sa pagbibigay ng working visa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Cortes ang mga apektadong OFW ay isasama sa National Reintegration Program ng Department of Migrant Workers (DMW).

“Para mabigyan sila ng tulong at ayuda considering alam nila kung ano iyong mga pinagdaanan at alam nila what they had to give up just to the flight to Kuwait,” sabi ni Cortes.

Sinuspindi ng Kuwait ang pagbibigay ng bagong entry visa para sa mga Pilipino.

“We were told na it is only for those na bago – meaning kung wala kang resident visa o iyong tinatawag nilang ‘iqama’… hindi ka pwede pumasok. Pero kung babalik ka ng Kuwait dahil doon ka naman na nagtatrabaho at—iyon nga, have been living there, working there, pwede ka namang pumasok,” ani Cortes.

Magpapadala ng delegasyon ang DFA at DMW sa Kuwait upang pag-usapan ang ginawang hakbang ng Kuwait at upang muling mabuksan ang pagpapadala ng OFW doon.

“It’s a constant communication forum that we have instituted – not only with Kuwait but all the others to make sure na we’re always on track as far as protection and promotion of the well-being of our migrants are concerned,” dagdag pa ni Cortes.