Martin

Romualdez aalamin dahilan ng pagsara ng Kuwait ng border sa mga Pinoy

171 Views

AALAMIN ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang dahilan sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang.

Ipapatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait.

“I just want to find out mula sa DFA at DMW ang tunay na dahilan sa aksyon ng Kuwait,” ayon sa House Speaker.

Nauna ng sinabi ng Kuwait na hindi tumupad ang Pilipinas sa “bilateral agreement” ng dalawang bansa.

“We want to be clarified anong parte o portion ng nasabing agreement ang hindi natin tinupad kung meron man”, ani Romualdez.

Dagdag pa ng lider ng Kongreso, “ hindi lang kasi ilang OFW ang apektado sa utos na ito kundi hundreds of Filipinos”.

Matatandaan na ipinatupad ang ban sa mga OFW na magtatrabaho sa Kuwait nitong Pebrero matapos ang karumaldumal na pagpatay sa OFW na si Juleebee Ranara noong Enero.

“Pero of course, our priority is the safety ng mga kababayan natin rather than work”, pahabol ni Romualdez.