Frasco

Turismo mananatiling bukas sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

163 Views

MANANATILI umanong bukas ang turismo sa bansa habang pinapanatili ang mga health protocol laban sa pagkalat ng COVID-19.

Ito ay ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco na nagsabi na lalo pang pag-iibayuhin ng gobyerno ang pagpapalakas ng tourism industry ng bansa.

“While we continue to support the Departments of Health’s measures as far as ensuring the health and safety of our fellow Filipinos, the direction of the Philippines is forward and that is to ensure that we continue to open up the country to travel and tourism,” ani Frasco sa isang press briefing Malacañang,

“That is the direction set by our President. Of course, all the minimum health and safety standards are in place and this is also made sure as far as compliance with our DOT-accredited establishments [is concerned],” dagdag pa ng kalihim.

Tumaas ang bilang ng mga nahahawa ng Covid-19 sa bansa. Mula Mayo 8 hanggang 14 ay mahigit 12,000 ang naidagdag na kaso.

Ayon sa Health department sa kabila ng pagdami ng kaso ay nananatili namang mababa ang utilization rate ng mga ospital.