Martin1

Speaker Romualdez pinuri hakbang ni PBBM para mapatatag presyo ng kuryente, maiwasan brownout

89 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38) agreement na magreresulta umano sa mas matatag na suplay at presyo ng kuryente.

Isa si Speaker Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na personal na nakasaksi sa pagpirma ni Pangulong Marcos sa renewal ng SC 38 na mage-expire sa Pebrero 22, 2024. Palalawigin ito ng 15 taon.

“This is a welcome development as the Malampaya gas field provides a significant portion of our country’s energy requirement,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sinabi ni Pangulong Marcos na sa Malampaya nanggagaling ang 20% ng energy requirement ng Luzon.

“Extension of the SC 38 will not only reduce our dependence on imported oil as fuel for our power plants, which will help stabilize the price of electricity. More importantly, it would help boost our power reserves and prevent brownouts resulting in losses for businesses and suffering for our people,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Romualdez makatutulong ang extension ng SC 38 agreement sa layunin ng administrasyong Marcos na makahanap ng mga dagdag na panggagalingang ng enerhiya upang mapababa ang presyo nito at maiwasan ang mga power outage.

“The House of Representatives supports the initiatives of the administration of President Marcos, including its agenda to promote our energy security,” ani Speaker Romualdez.

Matatandaan na pinulong ni Speaker Romualdez ang iba’t ibang partido sa Kamara at nangako ang mga ito an suportahan ang pagpasa ng mga panukalang batas na kailangan ng administrasyong Marcos upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Kasama sa mga panukalang ito ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Ayon sa Department of Energy (DoE), ang pagpapalawig ng Malampaya service agreement ay titiyak sa suplay ng natural gas sa 1200 MW Ilijan Power Plant na magbabalik ang operasyon sa huling bahagi ng Mayo.

Bago tumigil ang operasyon para sa isasagawang retrofitting, ang Ilijan ang pinanggagalingan ng 15% ng kuryente na isinusuplay ng Meralco.

Sinabi ni DoE Secretary Raphael Lotilla na nakaapekto ang tigil-operasyon ng Ilijan sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon grid.