Calendar
Speaker Romualdez iginiit crackdown sa kartel ng sibuyas
IGINIIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pangangailangan na gibain ang kartel na kumokontrol sa suplay ng sibuyas upang maiwasan umano ang hindi makatwirang pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Speaker Romualdez bagamat makatutulong ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas hindi ito sapat upang mapigilan ng biglaang pagtaas ng presyo.
“As the hearings of the House Committee on Agriculture and Food have indicated, dismantling the onion cartel is a key element in ensuring the stable price of this commodity. Unless we destroy this cartel, this problem will haunt us again and again in the future,” sabi ni Speaker Romualdez.
Nauna ng nanawagan si Speaker Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng National Bureau of Investigation, Philippine Competition Commission, at Department of Agriculture na sundan ang nadiskubre ng House Committee on Agriculture and Food sa isinagawa nitong pagdinig at kasuhan ang mga sangkot kartel.
“Putting members of this cartel behind bars will send the unmistakable message that the government will not tolerate any unfair trade practices that prey on the hapless consumer and farmers,” ani Speaker Romualdez.
Dapat din umanong tutukan ng gobyerno ang mga programa na makatutulong sa mga lokal na magsasaka—lalo na ang mga magsasaka ng sibuyas—upang dumami ang produksyon nito.
“The DA should provide necessary aid to our farmers, such as fertilizers, and build more cold storage facilities to encourage increased production. If we can produce enough, cartels will find it difficult to control the supply and manipulate prices,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Sinabi ni Speaker Romualdez na bukas ang Kamara sa mga panukalang ibibigay ng DA upang dumami ang produksyon ng pagkain sa bansa.
Ayon sa DA, itatakda ang SRP ng pulang sibuyas sa P150 kada kilo at P140 naman sa putting sibuyas.
“The imposition of a Suggested Retail Price for onions, particularly now that market prices are on the uptrend anew, will shield our consumers from unconscionably high prices,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
“But extreme care should be taken to ensure that in the imposition of the SRP, the interest of stakeholders such as the consumers, the traders, the market vendors, and especially our onion farmers are suitably protected,” dagdag pa ng lider ng Kamara.