Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Pagtataas ng disability pension kailangan—Speaker Romualdez

140 Views

BINIGYAN-DIIN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan na maitaas ang disability pension ng mga beterano dahil masyado umano itong maliit.

“The pensions provided for in the present laws do not respond to the demands of the times and are insufficient to provide for the needs of our veterans or their dependents. They were enacted over 30 years ago, and the prevailing circumstances now are very much different from before,” sabi ni Speaker Romualdez.

“So, to recognize the sacrifices of our veterans, we have approved in the House a measure that rationalizes the rates of pensions for them and their dependents, according to what the present time calls for,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 7939 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 6948 o ang batas na naglalaman ng halaga ng disability pension ng mga beterano.

Sa kasalukuyan ang disability pension ay nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P1,700 depende sa uri ng kapansanan.

Sa ilalim ng panukala ay itataas ito sa P4,500 hanggang P10,000.

May dagdag itong P1,000 para sa asawa ng beterano at sa bawat minor de edad na anak na wala pang asawa.