Calendar
Speaker Romualdez: National land use bill makakatulong sa pagpaparami ng produksyon ng pagkain sa bansa
MAKATUTULONG umano ang panukalang National Land Use Act sa pagpaparami ng produksyon ng pagkain sa bansa, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ito ang sinabi ni Speaker Romualdez matapos na aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8162 sa botong 262 pabor at tatlong tutol.
“This is a long-awaited measure and the President knows its importance. Through this proposed National Land Use Act (NLUA), the government will have the tool to properly identify land use and allocation patterns in all parts of the country,” ani Speaker Romualdez.
“Through the guidance of the Chief Executive, the House members also made it so that the measure would pave the way for the Philippines to achieve food security,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ang HB 8162 ay isa sa mga panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Council (LEDAC) upang maabot ang layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang kalagayan ng bansa.
Ilan sa mga may-akda ng panukala ay sina Reps. Francisco Jose Matugas II, Manuel Jose M. Dalipe, Rosanna Vergara, Gloria Macapagal Arroyo, Joey Sarte Salceda, Mikee Romero, Rufus Rodriguez, at Romeo Acop.
Sa ilalim ng panukala ay itatayo ng National Land Use Commission (NLUC) sa ilalim ng Office of the President (OP). Ito ang papalit sa bubuwaging National Land Use Committee.
Ang NLUC ang magsisilbing pinakamataas na policy-making body kaugnay ng paggamit ng lupa at reresolba sa mga magkakasalungat na polisiya ng ibang sangay ng gobyerno.
Ang NLUC ay pamumunuan ng commissioner na may ranggong Cabinet Secretary at dalawang deputy commissioners na ang ranggo ay undersecretary.