Calendar
31 sa 42 priority bills ng Marcos admin pasado na sa Kamara
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang 31 sa 42 panukala na prayoridad na maisabatas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ang pinakahuling naipasa ng Kamara ay ang 30-year National Infrastructure Program Bill at ang panukalang National Land Use Act.
“We are proud of our collective accomplishment – 31 out of 42 and counting. As of today, we have achieved a significant part of our goal in less than a year of session,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“I thank our colleagues for their hard work, as well as the various political parties in the House which have committed to support the passage of priority measures determined by the President and the LEDAC and the House itself,” dagdag pa nito.
Ayon kay Speaker Romualdez sumusuporta ang mga panukala sa pagnanais ni Pangulong Marcos na maipatuloy ang paglago ng ekonomiya, maparami ang mapapasukang trabaho at mabigyan ng oportunidad na kumita ang mga Pilipino.=
Sa ilalim ng 2023-2052 National Infrastructure Program (House Bill (HB) No. 8078) ilalatag ang mga infrastructure projects na kailangan ng bansa upang magtuloy-tuloy ang paggawa sa mga ito.
“It will be an all-encompassing program covering not only public works like roads, bridges and expressways, which we commonly refer to as infrastructure, but also energy, water resources, information and technology, agri-fisheries, food logistics, and socially-oriented structures such as school buildings and other educational facilities,” sabi ni Speaker Romualdez.
“It would institutionalize the ‘Build Better More’ program of President Ferdinand Marcos Jr. to support a strong economy through a resilient and reliable national infrastructure network,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Layunin naman ng panukalang National Land Use Act (HB No. 8162) na makapalatag ng polisiya kaugnay ng paggamit ng lupa.
“This is a long-awaited measure and the President knows its importance. Through this proposed law, the government will have the tool to properly identify land use and allocation patterns in all parts of the country,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Sa 42 priority bills, tatlo ang napirmahan na ng Pangulo at naging batas. Ito ang SIM (subscriber identify module) Registration Act, pagpapaliban ng October 2022 barangay and Sangguniang Kabataan elections at ang pagbabago sa fixed term ng mga piling opisyal ng Armed Forces of the Philippines.
Ang panukala naman na nagbubura sa utang ng mga agrarian reform beneficiary ay napadala na sa Malacañang.
Naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang: Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act; Internet Transaction Act / E Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, at National Government Rightsizing.
Naipadala na rin ng Kamara sa Senado ang panukalang Maharlika Investment o Sovereign Fund bill, na akda ni Speaker Romualdez at sinertipikahan na prayoridad ng Pangulo.
Ang panukalang Bureau of Immigration Modernization ay Philippine Salt Industry Act ay naaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa at posibleng matapos na nito bago ang sine die adjournment sa susunod na linggo.
Inaasahan naman ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa ang panukalang Natural Gas Industry Enabling Law, National Employment Action Plan, at Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System Bill.
Tinatalakay na rin ng mga komite ang panukalang Department of Water Services and Resources, at mga amyenda sa Electric Power Industry Act at Anti-Agricultural Smuggling Act.
Gayundin ang mga panukalang Budget Modernization, National Defense Act at Unified System of Separation, Retirement and Pension for Uniformed Personnel.