BBM2

PBBM ikinokonsidera pre-shipping inspection para mapigilan smuggling

138 Views

BUKAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa rekomendasyon ng Société Générale de Surveillance SA (SGS) na magpatupad ng pre-shipping inspections bilang bahagi ng kampanya laban sa smuggling partikular ng produktong agrikultural.

“This scheme would minimize smuggling. It will be essentially…pre-shipping inspection,” ani Pangulong Marcos matapos ang pakikipagpulong nito kina SGS Vice President George Bottomley at Managing Director Cresenciano Maramot sa Malacañang.

“Ibig sabihin, bago pa isakay ‘yung produkto sa barko doon sa pinanggagalingan, inspeksyunin na nila para sasabihin nila, ‘totoo ito, tama ang timbang, tama ang quality, tama ang nasa record na pinanggalingan’ — all of these items. Para hindi na natin kailangan gawin dito sa Pilipinas,” paliwanag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo palalawakin rin ang coverage ng agricultural invoice para bayad na ito bago pa man dumating sa bansa, isang hakbang na magpapabilis sa proseso.

Isang cost analysis study umano ang isasagawa upang masiguro na hindi ito magreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na sa huli ay konsumer ang papasan.

Batay sa pag-aaral ng UN Commodity Trade, nasa 20.48 porsyento ng dumarating na produktong agrikultural sa bansa ang hindi naideklara ng tama mula 2010 hanggang 2021.