1200

Ang katotohanan sa pagpunta ni James sa Amerika

Aster A Amoyo Feb 22, 2022
271 Views

MAGMULA nang lumabas ang balita ng pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Nadine Lustre sa Filipino-French businessman na si Christophe Bariou, naging tahimik naman ang kampo ng kanyang ex-boyfriend, ang ex-PBB Big Winner, singer-composer, record producer at actor na si James Reid.

Napabalitang umalis patungong Amerika si James pero ito’y agad klinaro ng kanyang Australian dad na si Malcolm Reid na kaya nagtungo ng Los Angeles, California ang singer-actor ay para mag-record doon and at the same time bisitahin ang nakatatandang kapatid nitong si Andrew Reid na matagal na niyang hindi nakikita.

Sina Nadine at James ay nagkahiwalay in January 2020 ending their almost four years relationship but the ex-couple remained friends.

James and Nadine catapulted to fame nang pagtambalin ang dalawa ng Viva Films sa pelikulang “Diary ng Panget” na naging box office hit.

It was in September 2019 nang umalis si James sa Viva. Sumunod si Nadine in 2020 pero siya’y napigilan ng Viva dahil may existing contract pa siya sa naturang kumpanya until 2029. The singer-actress has just finished her new movie under Viva na pinamatagang “Greed” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga at pinamahalaan ni Yam Laranas. Si James naman ay mas nag-concentrate sa kanyang singing and producing songs.

sharonSharon may gagawing international movie

KINUMPIRMA ng megastar na si Sharon Cuneta na nakatakda niyang gawin ang international movie, an adaptation from an award-winning novel, “The Mango Bride” na nakatakdang idirek ni Martin Edralin. Ang balita ay unang lumabas sa Variety magazine sa Amerika.

Ayon sa misis ng Vice-Presidentiable na si Sen. Kiko Pangilinan, the movie will connect Filipino narratives to a global audience.

Si Sharon ay regular na napapanood ngayon sa top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. She is reunited in the series with her ex-flame na si Rowell Santiago who plays the role of Pres. Oscar Hidalgo.

yam-yambabyYamyam tatay na

ISA nang ganap na ama ang ex-PBB: Otso Big Winner-turned actor-comedian and entrepreneur na si Yamyam Gucong (William Goc-Ong) matapos isilang a few days ago ng kanyang fiancée na si Elaine Toradio ang kanilang unang baby na si Aliah Kaye or Baby Ali.

It was in October 2021 nang mag-propose si Yamyam sa kanyang kasintahan at December nila ibinalita na magkakaroon na sila ng supling.

Kahit Grade V lamang ang inabot ni Yamyam, hindi ito naging hadlang para siya maging isang matagumpay na negosyante. Nagtayo siya ng bakeshop, ang Yamito Bakeshop sa kanyang hometown, Inabanga, Bohol which was inaugurated on his 26th birthday nung December 8, 2019. Three months later ay nagtayo siya ng isang branch , this time sa Ubay, Bohol nung March 8, 2020.

Part ng kanyang P2-M cash prize ang ginawa niyang puhunan sa kanyang itinayong business. Nabili rin niya ang lupaing sinasaka ng kanyang pamilya at nakabili rin siya ng sasakyan na kailangan niya sa kanyang trabaho bilang actor-comedian at entrepreneur.

Nang si Yamyam ang tanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother Otso nung 2019, siya’y nakapag-uwi ng P2-M cash, isang condominium, water refilling station package na nagkakahalaga ng P800,000 at travel package worth P300,000.

Matapos siyang lumabas sa Bahay ni Kuya, pinasok ni Yamyam ang pagiging artista kasama ang kanyang naging best friend sa loob at labas ng PBB house, ang Japanese national na si Fumiya Sankai. Ang dalawa ay maraming beses nagkasama sa ilang programa ng ABS-CBN at kasama na rito ang sitcom na “Home Sweetie Home: Extra Sweet”.

Isinadula rin ng MMK ang kanyang buhay na pinamagatang “Bukid” na nag-trending. Napasama rin siya sa pelikulang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” at nakapag-guest sa ilang programa ng Kapamilya network. Nung isang taon ay kasama siya sa cast ng iWant TFC original series, ang “Hoy, Love You”.

Hihintayin lamang ng engaged couple na Yamyam at Elaine na lumaki-laki si Baby Ali bago nila planuhin ang kanilang kasal.

MarcoKakaibang experience ng mga artista kay Direk Brillante

TIYAK na maiibigan ng mga manonood na mahilig sa horror films ang “Bahay Na Pula” na tinampukan nina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao at dinirek ng premyadong director na si Brillante Mendoza na matutunghayan on Vivamax streaming app simula ngayong February 25.

Although kakaibang genre ang “Bahay na Pula” kumpara sa past movies ni Direk Dante, he was able to deliver perfectly the story and scare of the movie maging ang acting na in-expect niya sa bumubuo ng cast.

Hindi ikinaila ni Julia na sobra umano siyang matatakutin pagdating sa mga horror films laluna ang pag-act in a horror film, pero naging naging malaking consideration sa kanya na gawin ang pelikula dahil kay Direk Dante at sa mga kasama niya sa movie na sina Xian at Marco.

“I changed as an actor dahil kay Direk Brillante,” pag-amin ni Julia.

Kakaiba rin ang experience na naranasan nina Xian at Marco working with Direk Dante who are both glad na nagkaroon sila ng pagkakataon na makatrabaho ang Cannes Film Festival Best Director na may kakaibang treatment pagdating sa paggawa ng pelikula.

The entire “Bahay na Pula” movie was shot in Pola, Oriental Mindoro kung saan ang nakaupong mayor ay ang aktres na si Ina Alegre who is Jennifer Cruz in real life. Merong special participation sa nasabing pelikula ang butihing mayor as herself, bilang mayor ng kanilang town.

Kailangang panoorin ang kabuuan ng pelikula from start to finish para maunawaan ang buong kuwento ng “Bahay ng Pula”, another masterpiece ng award-winning movie director na si Brillante Mendoza.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.