Lalaki nadakma sa droga, boga
Apr 21, 2025
PNP bumuo ng 2 committees vs fake news, kidnapping
Apr 21, 2025
DA ni-revive LDAG para sa meat, poultry sectors
Apr 21, 2025
Into nagpakitang gilas sa WBC Boxing Grand Prix
Apr 21, 2025
Calendar

Nation
DBM: P25B inilaan para sa health insurance premium ng mahihirap
Peoples Taliba Editor
May 26, 2023
194
Views
MAY nakalaang P25.16 bilyon ang gobyerno para bayaran ang health insurance premium ng mga mahihirap na Pilipino, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) para ibigay ang pondo sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ang pondo ay para sa isang taong health insurance premium ng 8,385,849 kuwalipikadong Pilipino na naka-enroll sa PhilHealth.
“President Ferdinand R. Marcos Jr. mandated his cabinet to ensure that Filipinos are provided with affordable health care,” sabi ni Pangandaman.
Ang gobyerno ang nagbabayad ng health insurance premium ng mga Pilipino na walang malinaw na pinagkakakitaan.