Martin2

Opisyal na deklarasyon ng kalayaan ng bansa gawing special working holiday

149 Views

ISANG panukala na naglalayong gawing special working holiday ang Agosto 1 ng bawat taon ang inaprubahan ng Kamara de Representantes.

Ang pagdedeklara ng holiday ay bilang pagkilala sa opisyal na deklarasyon ng kalayaan noong Agosto 1, 1898 batay sa mga nakalap na ebidensya sa isinagawang pananaliksik.

Ang pag-apruba sa House Bill (HB) No. 7986 o ang “An Act Declaring August 1 of Every Year a Special Working Holiday to be Known as the ‘Promulgation of the Solemn Declaration of Philippine Independence” ay sinang-ayunan ng 270 kongresista.

Ang panukala ay akda nina Cavite Reps. Lani Mercado-Revilla, Jolo Revilla, Elpidio Barzaga, Aniela Tolentino, Roy Loyola, at Adrian Advincula, at Manila Rep. Edward Maceda.

“This important piece of history has only come to light within the last few years. It is only right to recognize this significant event in our storied past: the solemn declaration of Philippine independence in Bacoor, Cavite on Aug. 1, 1898,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“And I hope this measure will provide Filipinos with the encouragement to pursue knowledge on what transpired during the birth of our nation and hopefully look at this momentous event as a source of national pride and patriotism,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Ayon sa panukala, opisyal na naideklara ang kapayapaan ng bansa noong Agosto 1, 1898 sa Bacoor Assembly batay sa isinagawang pag-aaral ni Philippine Historical Association (PHA) President Dr. Emmanuel F. Calairo.