Dy

Kongresista umaasa na bago matapos ang 2023 ay maisasabatas na Nuclear Energy Bill

Mar Rodriguez May 31, 2023
149 Views

UMAASA ang isang Northern Luzon congressman na tuluyan ng maisasabatas ngayong 2023 ang panukalang batas na nagsusulong ng Nuclear Energy sa Pilipinas para sa isang malinis at murang kuryente sa pamamagitan ng pagtatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (Phil-ATOM).

Nabatid kay House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A. Dy V na kasalukuyan na aniyang nakasalang sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang House Bill No. 8218 na inihain ni Pangasinan 2nd Dist. Congressman Mark O. Cojuangco.

Sinabi ni Dy na nasa unang baytang na ang panukalang batas ni Cojuangco bilang bahagi ng proseson at inaasahan niyang bago matapos ang kasalukuyang tao ay tuluyan ng maisasabatas ang House Bill No. 8218.

Ipinaliwanag pa ni Dy na ang pangunahing prayoridad ng nasabing panukalang batas ay ang pagtatatag ng Phil-ATOM. Isang independent body na siyang mangangalaga sa mga regulasyon ng nuclear energy kasunod ng pagsusulong isang mapayapa, ligtas at maayos na paggamit ng nuclear energy.

Ipinabatid pa ng kongresista na mayroong sapat na pondo para sa pagpapagana ng mga nuclear power plants at nuclear waste disposal. Kung saan, iginiit ni Dy na malaki ang matitipid ng mga Pilipino sa paggamit ng nuclear energy.