Calendar
Anti-criminality campaign ng Davao City ipatutupad ni Mayor Inday sa buong bansa
Nais ni vice presidential candidate Sara Duterte na ipatupad sa buong bansa ang anti-criminality campaign ng Davao City kapag siya ay nanalo sa paparating na halalan.
Binigyan-diin ni Duterte ang kahalagahan na mapanatiling mababa ang krimen upang makapamuhay ng maayos ang mga mamamayan.
“Ang gagawin natin is kung ano yung ginawa natin doon sa Davao City. I emphasize natin sa ating law enforcement agencies, particularly sa ating mga kapulisan sa Philippine National Police natin, na ang una-unang trabaho nila ay ang pantay-pantay na enforcement ng ating batas,” sabi ni Duterte.
Ayon sa alkalde ang Davao City ay ginawaran ng parangal bilang the best city police office “dahil naiintindihan nila kung ano yung dapat nilang gawin particularly against criminality.”
Hindi rin umano maikakaila na nabawasan ang bilang ng krimen sa bansa mula ng manungkulan ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
“Nakita natin na sa kanyang administrasyon bumaba talaga ang crime rate sa buong Pilipinas,” sabi pa ng nakababatang Duterte.
Bilang bahagi ng kanyang Mahalin Natin ang Pilipinas Ride (MNPR) naglibot si Duterte sa Batangas kung saan mainit itong tinanggap nina Gov. Hermilando Mandanas, Vice Gov. Mark Leviste at iba pang lokal na opisyal.
Idineklara ni Mandanas ang pagsuporta nito sa vice presidential bid ni Duterte.