BBM1

PBBM nagpasalamat sa Kamara sa pagtugon sa kanyang panawagan na bigyan ng magandang buhay ang mga Pinoy

109 Views

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kamara de Representantes sa pagtugon nito sa kanyang panawagan na sama-samang magtrabaho upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino.

Sa isang video message na ipinalabas sa plenaryo ng Kamara, kinilala ni Pangulong Marcos ang masigasig na pagtaguyod ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang maipasa ang mga kinakailangang batas para dumami ang mapapasukang trabaho ang mga Pilipino at magpatuloy ang paglago ng ekonomiya.

“Our partners in good governance, the members of the House of Representatives as you continue to tackle the legislative measures that we have put forward to create a better life for all our countrymen,” ani Pangulong Marcos.

“I’d like to thank you for the hard work that you have put in, the cooperation between the Legislative and Executive branches have to be strong, that partnership is so important if we are to move towards the future,” dagdag pa nito.

Kumpiyansa umano ang Pangulo na ipagpapatuloy ng Kamara ang magandang hangarin nito.

“I would like to thank you and to congratulate you on the good work that has been done and I look forward to see more of these outcomes from the Lower House as we discuss the important issues of the economy, on public health, job creation, climate change, all the different problems that you and I both face,” sabi pa nito.

“Remained united, determined, and passionate. Be the voice of the people and fulfill your duties as servant leaders in your respective districts and provinces.”

“Thank you for the cooperation that you have given the Executive and let us make this partnership even stronger. Maraming salamat at mabuhay po tayong lahat,” hamon ng Pangulo sa mga kinatawan ng publiko sa Kamara.