Frasco

House Committee on Tourism suportado DOT na maibangon Mindanao bilang tahimik na tourist destination

Mar Rodriguez Jun 5, 2023
133 Views

SINUSUPORTAHAN ng House Committee on Tourism ang naging pagkilos ng Department of Tourism (DOT) matapos makipag-ugnayan ang ahensiya sa Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang muling maibangon ang Mindanao bilang isang tahimik na tourist destination para sa mga lokal at dayuhang turista.

Nauna rito, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Tourism Department kabilang na ang DND at DILG upang magkatulungan ang tatlong ahensiya na muling maibangon ang Mindanao bilang isang tahimik na tourist destination matapos ang ilang dekadang kaguluhan dito.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco na ang binalangkas na kasunduan sa pamamagitan ng isang MOA ay nagpapatunay lamang sa “commitment” ng DOT sa pagsusulong ng turismo sa bansa partikular na sa Mindanao na napakaraming oportunidad ang naghihintay.

“It is time to put to the fore the ethereal Mindanao beauty that has sometimes been relegated to the backburner. To highlight to the world its spectacular views, its wonderful and amazing culture as well as the warmth and love of the people of Mindanao. Time has come to fully promote your sites, your heritage, your culture, your people and to introduce this region to the world,” ayon kay Frasco.

Dahil dito, ikinagalak ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee, na napapanahon na upang muling maibangon ang turismo ng Mindanao na matagal ng panahon ng hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil sa mga nagaganap na kaguluhan.

Binigyang diin ni Madrona na kung tutuusin aniya ay napaka-yaman sa natural resources ang Mindanao subalit hindi lamang magawa at makuhang ma-explore ng pamahalaan ang mga nasabing likas yaman. Bunsod narin ng pamamayagpag ng mga rebeldeng grupo at paghahasik nila ng tensiyon.

Sinabi ni Madrona na ngayong tuluyan ng tahimik o payapa ang Mindanao at unti-unti narin bumabalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente dito kumpara noong mga nakalipas na panahon. Maaari na umanong simulan ng pamahalaan ang pagbangon ng nasabing lalawigan sa larangan ng turismo.

Ipinaliwanag pa ni Madrona na hindi lamang ang mga magagandang tanawin ang maaaring masaksihan ng mga lokal at dayuhang turista na bibisita sa nasabing lalawigan. Kundi ang natatangi at napagandang kultura ng mga taga-Mindanao na lalong mabibigay ning-ning sa Mindanao bilang isang tourist destination.Kinatigan din ng kongresista ang naging pahayag ni Secretary Frasco na napapanahon na upang mai-promote ang turismo ng Mindanao dahil sa mga natatanging kagandahan nito kabilang na ang kanilang kultura.