BBM1

Pagbagal ng inflation rate patunay na tama direksyon ni PBBM

163 Views

ANG pagbagal umano ng presyo ng bilihin ay patunay na tama ng direksyon ng gobyerno, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Today we received encouraging news that our inflation rate has now gone down – our headline inflation rate has gone down from 6.6 percent to 6.1 percent, and our employment figures are also improving,” ani Pangulong Marcos.

“And so, it would seem that we have started off in the right direction, on the right foot. Tama naman yata ang ating ginawang mga polisiya para buhayin ulit at gawing masigla ulit ang ating ekonomiya,” sabi pa ng Pangulo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang inflation rate ay bumaba sa 6.1 porsyento noong Mayo. Ito ang ikaapat na sunod na buwan na bumaba ang inflation rate.

“Sa ngayon, ‘yung growth rate natin ay maganda pa rin at siguro isa na sa pinakamaganda sa buong mundo ang ating growth rate. So lumalaki nang lumalaki at sumisigla ang ating ekonomiya,” sabi pa ng Pangulo.

“Kaya’t mukhang tama ang ating ginagawa. Ipagpatuloy natin ang ginagawa natin para naman makita natin na bumalik tayo sa magandang sitwasyon ulit,” dagdag pa nito.

Sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ang mga hakbang upang magpatuloy ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin.