Balilo

PCG bibili ng drone para sa  pagbabantay ng maritime border

109 Views

PLANO ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng malalaking drone upang madagdagan ang kakayanan nito sa pagbabantay ng maritime border ng bansa.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo hihilingin nito sa Kongreso na maglaan ng pondo para sa pagbili ng drone.

Sinabi ni Balilo na hihingi rin ang PCG ng budget para makabili ng remotely-operated vehicle (ROV) para sa oil spill response ng ahensya.

Sa paglubog ng MT Princess Empress sa Mindoro sinabi ni Balillo na nanghiram ang Pilipinas sa ibang bansa ng ROV para mahanap ang kinaroroonan ng barko at makita kung ano na ang nangyari rito para makagawa ng angkop na aksyon.

Ayon kay Balilo mayroon ding pangako ang Australian government na tutulong sa PCG at magbibigay ng drone equipment at training.