Phivolcs

Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.8 lindol

124 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.8 ang yumanig sa Occidental Mindoro gabi ng Hunyo 13.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang lindol alas-8:57 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 46 kilometro sa kanluran ng bayan ng Lubang, at may lalim na 20 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity II – QUEZON CITY

Intensity I – CITY OF PASIG

Instrumental Intensities

Intensity I – City of Tagaytay, CAVITE; City of Calapan, ORIENTAL MINDORO