Kuwento ng mga kabit, babaeng bayaran
Nov 23, 2024
Kathryn tumanggag ng award sa LA
Nov 23, 2024
Calendar
Provincial
Comelec ikokonsulta panukalang pagpapaliban ng BKSE sa Negros Oriental
Neil Louis Tayo
Jun 20, 2023
152
Views
MAGSASAGAWA ng public consultation ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng panukala na ipagpaliban ang pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Negros Oriental.
Pangungunahan ni Comelec chairperson George Garcia kasama ang iba pang opisyal ng ahensya ang pagsasagawa ng konsultasyon sa Hunyo 27 hanggang 29.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco layunin ng konsultasyon na malaman ang level ng karahasan o kaguluhan sa probinsya upang malaman kung dapat bang ipagpaliban ang paparating na halalan.
Isasagawa umano ang konsultasyon sa iba’t ibang bayan at siyudad.
Ang panawagan na ipagpaliban ang konsultasyon ay nag-ugat sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso.
Maguindanao Massacre inalala ng PTFoMS
Nov 23, 2024
TULONG NINA SPEAKER, PBBM, AMANTE
Nov 23, 2024
Suspek sa rape, attempted rape nasakote
Nov 23, 2024