Romero1

Pamimigay ng food stamp para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino iminungkahi

Mar Rodriguez Jun 21, 2023
136 Views

ISINULONG ng 1-PACMAN Party List Group sa Kamara de Representantes ang isang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng “food stamp” na ipamimigay ng gobyerno para sa mga mahihirap na Pilipino.

Isinulong ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang House Bill No. 8532 upang magkaroon ng isang batas para sa pamamahagi ng mga food stamp para sa mga maralitang Pilipino.

Nakapaloob sa panukalang batas ni Romero ang mungkahi nito na pangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng nasabing programa para magbigay ng kaunting benepisyo para sa mga naghihikahos na pamilyang Pilipino.

Sinabi din ni Romero na ang pamamahagi ng food stamp ay naka-angkla o nakakabit sa mga programa ng Agriculture Department upang mas mapalawak nito ang merakado para naman sa ani ng mga lokal na magsasaka.

Ipinaliwanag pa ni Romero na pagkakalooban ang mga benepisyaryo ng benefit cards o tap cards na mayroong P5,000 credit na magagamit naman nila para makabili ng mga piling pagkain mula sa mga Department of Social Welfare and Development (DSWD) accredited local retailers.

Ayon kay Romero, layunin ng comprehensive food stamp na mapa-igting ang pagtulong sa mga mahihirap. Kung saan, target nito na mabigyan ang mga pamilya na hindi umaabot sa P8,000 ang kanilang buwanang kita.

“This comprehensive food stamp program as proposed and executed in other countries are actually agricultural programs. They aim to link rural surpluses with food-poor urban communities. This way, we could effectively address both urban poverty and rural poverty,” paliwanag ni Romero.