BBM2

National Refugee Day tuwing Hunyo 20 idineklara ni PBBM

Neil Louis Tayo Jun 22, 2023
133 Views

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Hunyo 20 ng bawat taon bilang National Refugee Day.

Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation No. 265 bilang pagkilala umano sa pagiging bukas ng Pilipinas sa mga tao na kinailangang lumikas sa kanilang bansa.

Ang World Refugee Day ay isang taunang event ng United Nations na ginagawa tuwing Hunyo 20 bilang pagkilala sa mga tao na lumikas sa ibang bansa dahil sa giyera, karahasan, at persekusyon.

Sinabi ng Pangulo na kinikilala ng kanyang administrasyon ang kahalagahan na maprotektahan ang karapatan ng mga refugee, stateless person, at asylum seeker.