Yedda

Speaker, Tingog party-list plinantsa P10M tulong para sa kabataan ng Tacloban City

Mar Rodriguez Jun 28, 2023
150 Views

KATUWANG ang administrasyong Marcos, sinusugan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ang mabilis na pagpapalabas ng P10 milyong financial assistance para sa may 2,000 kabataan sa Tacloban City.

Ang mga kuwalipikadong kabataan ay nakatanggap ng tig-P5,000 cash aid ngayong Miyerkoles, Hunyo 28, malapit sa pagdiriwang ng pista ng Tacloban City na gaganapin sa Biyernes.

Kumpiyansa ang Office of the Speaker at Tingog Party-list na kahit papaano ay makatutulong ang cash aid sa mga estudyante sa pagbubukas ng paparating na school year.

Ang pondong ipinamigay ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian.

Sinabi ni Rep. Yedda Romualdez, Chairperson ng House Committee on Accounts, na ipagpapatuloy ng Tingog ang paghahatid ng serbisyo, katuwang ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD sa mga Leyteños, Samareños, at mga taga-Eastern Visayas at maging sa iba pang bahagi ng bansa.

“That is our commitment and we will remain true to it,” ani Rep. Yedda Romualdez.

Binigyan-diin ni Rep. Yedda Romualdez ang kahalagahan ng edukasyon na dapat umanong bigyang prayoridad ng mga magulang.

Ayon naman kay Speaker Romualdez ang tulong pinansyal ay simbolo umano ng pangako ng gobyerno na tulungan ang sektor ng populasyon upang gumanda ang kanilang kalagayan.

“I hope the amount would help the beneficiaries in starting some livelihood activities for them and their families, or for their or their children’s education,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi naman ni Rep. Acidre ang pagsisilbi sa mga taga-Eastern Visayas ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng Tingog party-list.

“Tingog appeals to the beneficiaries to properly use the financial aid they received,” ani Acidre.