Valeriano

“Love the Philippines sinasalamin karakter ng mga Pinoy — Valeriano

Mar Rodriguez Jun 30, 2023
445 Views

NANINIWALA ang isang Manila Congressman at Chairman ng Metro Manila Development Authority na makabuluhan at malalim ang kahulugan ng bagong slogan ng Department of Tourism (DOT) na “Love the Philippines” sapagkat sinasalamin nito ang katangian, kultura at hospitability ng mga Pilipino.

Sinabi ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairperson ng Committee on Metro Manila Development sa Kamara, na maraming aniyang interpretation ang slogan ng Tourism Department kabilang na dito ang pagsasalarawan sa tunay na karakter ng mga Pilipino.

Ipinaliwanag ni Valeriano na mas may malalim na kahulugan umano ang “Love the Philippines” sapagkat ito ang mga katagang maaaring bigkasin ng isang dayuhan o foreign tourist na nagbakasyon sa Pilipinas bilang “expression at impression” nila sa kanilang pagbisita sa bansa.

Binigyang diin pa ni Congressman Valeriano na ang “Love the Philippine” ay hindi lamang basta at simpleng naglalarawan sa kagandahan ng iba’t-ibang tourist destinations Pilipinas sapagkat kung ganito. Maaaring masabi lamang umano ng mga dyuhan na “The Philippines is beautiful”.

Subalit sinabi ng mambabatas na dahil labis na nabighani ang mga dayuhang turista sa ating bansa dahil sa mga kakaibang tanawin na hindi nila nakikita sa ibang lugar. Nagkaroon umano sila ng pagmamahal o “affection” sa Pilipinas bunsod na rin ng magandang kataingan at pagiging hospitable ng mga Pilipino.

“They did not just enjoy activities and said “It is fun in the Philippines”. Ibig sabihin, nabighani sila at may kakaibang karanasan sila upang magkaroon ng affection sa ating bansa,” Ayon kay Valeriano.

Idinagdag pa ni Valeriano na ang bagong slogan ang Tourism Department ay naglalarawan din sa kakaibang katangian at karakter ng mga Pilipino pagdating sa pakikipag-kapwa partikular na sap ag-estima o pag-asikaso sa kanilang mga bisita tulad ng mga dayuhang turista.

“Maaaring ang pakikipag-kapwa natin lalo na sa mga turista ang puwedeng pinanggagalingan bg kanilang affection para sa Pilipinas. Experiencing the warmth of our kababayan adds to the pleasure being in the Philippines,” Sabi pa ng kongresista.

Sinabi pa ng Manila solon na ito rin ang kaibahan ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Sapagkat tumatatak sa puso’t isipan ng mga bumisitang dayuhan ang mga kabigha-bihaning lugar sa bansa gaya ng mga beaches, mga bundok, pagkain at maging ang pagka-maasikaso ng mga Pilipino.

“Ito ang kaibahan nagtin sa ibang mga bansa. They look back to our country even after their visit. They smile remembering the beaches, mountains, food and folks that they encountered. Wa ito sa iba gaya ng Thailand, Hongkong, Vietnam at Cambodia na madalas nakaka-ungos sa atin sa dami ng turista,” Dagdag pa ni Valeriano.