MIAA

MIAA naipatupad na STAR program

181 Views

NATAPOS ng ipatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagbabago ng terminal assignment ng iba’t ibang airlines upang mas maraming pasahero ang makagamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa MIAA noong Sabado ay nagsimula na ang domestic flight ng AirAsia Philippines at Royal Air Philippines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 samantalang ang Sunlight Air ay napunta na sa NAIA Terminal 4.

Ang NAIA Terminal 2 ay ekslusibo na umano para sa mga domestic flights.

“This change benefits both our domestic and international passengers. With NAIA Terminal 2 now handling domestic flights only, CIQ (Customs, Immigration and Quarantine) personnel have been redistributed to NAIA Terminals 1 and 3 as additional deployment. This shall ensure maximum manning of these posts especially at peak hours” paliwanag ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co.

Ayon kay Co sa pag-alis ng initial screening at clearing ng immigration area lalki ang kapasidad ng Terminal 2 sa 10 milyong pasahero mula 7.5 milyon.

Ang mga pasahero naman umano sa Terminal 1 at 3 ay magkakaroon ng mas maraming food at retail store at duty-free shopping center.

Ang NAIA Terminal 4 naman ay ginawa ng turbo-prop terminal para sa Cebgo, AirSWIFT, at Sunlight Air.

Nagsimulang ipatupad ang terminal reassignment noong Disyembre 1, 2022.