BIR

BIR dinagdagan gamot na exempted sa VAT

171 Views

DINAGDAGAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga gamot na exempted sa pinapatawan ng 12 porsyentong value-added tax.

Batay sa inilabas na revenue memorandum ng BIR, mayroong 59 gamot sa kanser, hypertension, diabetes, kidney disease, mental illness, tuberculosis, at mataas na kolesterol na idinagdag sa mga gamot na exempted na sa VAT.

Ang hakbang ng DOH ay batay sa rekomendasyon ng Food and Drug Administration na nasa ilalim ng Department of Health (DOH).

Inalis naman ng BIR ang Ixekizumab solution sa listahan ng mga exempted sa VAT batay na rin sa rekomendasyon ng DOH.

Batay umano sa isinagawang pag-aaral sa naturang gamot ito ay para sa mga pasyenteng may moderate hanggang severe na plaque psoriasis at hindi para sa kanser.

Layunin ng pagbibigay ng VAT exemption sa mga piling gamot na mas maging abot-kaya ang presyo nito.