Calendar
Agarang pagpapalabas ng bonus ng mga guro tiniyak ng DBM
TINIYAK ni Department of Budget and Management Secretary Amenah F. Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng pondo para sa performance-based bonus (PBB) ng mga guro sa pampublikong paaralan.
“I already instructed concerned bureaus and offices to ensure that there will be no delays, in the part of the DBM, in the release of the performance-based bonus to our dear teachers,” ani Sec. Pangandaman.
Sinabi ni Pangandaman na binibigyang halaga ng DBM ang kontribusyon ng mga guro sa bansa at sinisikap umano ng ahensya at nakikipag-ugnayan umano ito sa Department of Education (DepEd).
“The DBM stands with our nation’s educators and recognizes the extraordinary work they do for our country. Thus, we are one with our teachers in the pursuit of the immediate release of their PBB. Rest assured po that we will closely coordinate with the Department of Education to address this, and once we are provided with the complete requirements, we will ensure din po that the PBBs will be released as soon as possible,” dagdag pa ng kalihim.
Noong Hunyo 27, naglabas na ang DBM NCR sa DepEd ng Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation na nagkakahalagang P950,942,317 upang mabayaran ang 2021 performance-based bonus ng mga eligible na school-based personnel ng DepEd NCR Office.
Para naman sa nalalabing 15 DepEd regions, (Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII CARAGA, at CAR), ang naisumiteng Form 1.0 ng school-based personnel ay ibinalik sa Personnel Division, DepEd-BHROD para sa revalidation o pagrepaso dahil sa iba’t-ibang isyu tulad ng nadobleng pangalan o wala ang pangalan sa Personal Services Itemization and Plantilla of Personnel (PSIPOP).
Sa ngayon, naghihintay na lamang ang DBM na mai-submit ng 15 na rehiyon ang kanilang nirebisang Form 1.0.