Herbosa

PBBM pabor sa pag-alis ng public health emergency

143 Views

PABOR si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin na ang public health emergency sa bansa.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na hinihintay na lamang ng Pangulo ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para makapagpalabas ng Executive Order kaugnay nito.

“Yes, actually, this was one of his first instructions to me, to really get out of the COVID pandemic,” ani Herbosa.

Sinabi ni Herbosa na iba na ang sitwasyon ngayon at idinagdag na mayroon ng certificate of product registration (CPR) ang Pfizer kaya makakapagbenta na ito ng COVID-19 bivalent vaccine.

Noong wala pang CPR, ang gobyerno lamang ang maaaring bumili ng bakuna laban sa COVID-19 sa ilalim ng emergency use autorozation.

Ayon pa sa kalihim, ang COVID-19 ay itinuturing na lamang ng mga doktor ngayong bilang isang respiratory illness na kaya ng magamot.

“There is still the risk of death for vulnerable people which is the elderly and those with medical conditions, immunocompromised. But the number of deaths has really declined,” punto pa ni Herbosa.

Gaya ng ibang gamot, sinabi ni Herbosa na bibili pa rin ang gobyerno ng bivalent vaccine para mabakunahan ang mga walang pambili.