Romero1

Mabahang kasaysayan ng Pilipinas ang dahilan kung bakit kailangan mahalin ang Pilipinas o Love the Philippines

Mar Rodriguez Jul 6, 2023
271 Views

NANINIWALA ang 1-PACMAN Party List Group sa Kamara de Representantes na hindi lamang ang kagandahan ng Pilipinas ang naglalarawan sa kontrobersiyal na slogan ng Department of Tourism (DOT) na “Love the Philippines” kundi ang napaka-habang kasaysayan ng bansa kabilang dito ang pananakop ng mga Kastila at Hapon na nag-iwan ng pamana sa mga Pilipino.

Ipinaliwanag ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na bagama’t naging kontroberisya ang bagong slogan ng DOT.

Iginiit nito na hindi lang naman ang branding ng Tourism Department ang nagpo-promote o nagsusulong ng turismo sa Pilipinas kundi ang kasaysayan mismo ng bansa.

Binigyang diin ni Romero na may tourism branding man o wala, ang binabalikan parin umano ng mga dayuhang turista o foreign tourist ay ang mga makasaysayang lugar sa Pilipinas partikular na ang mga luma at antigong Simbahan na isang malinaw testamento ng pagiging Katoliko ng mga Pilipino.

Sinabi ni Romero na “titulo” lamang ang “Love the Philippines” slogan ng Tourism Deparment, sapagkat ang napaka-halaga aniya ay ang kasaysayan mismo ng bansa na nagpapakilala sa kultura at natural resources ng mga Pilipino partikular na noong mga panahong sumakop ang mga Kastila at Hapon.

Ayon kay Romero, sa pamamagitan ng mga Kastila, natutunan at niyakap aniya ng mga Pilipino ang Katolisismo kabilang dito ang malalim na pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng pagdadasal,

Habang natutunan naman ng mga Pilipino sa mga Hapon ang pagiging masinop.