Calendar
South Korean president bibisita sa PH
MAY plano si South Korean President Yoon Suk Yeol na bumisita sa Pilipinas sa susunod na taon kung kailan ipagdiriwang ang ika-75 anibersaryo ng PH-Korea relations.
Ito ang sinabi ni South Korean Ambassador-designate Lee Sang-Hwa sa kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang.
“That’s exactly the point our President Yoon Suk Yeol mentioned to me at the credential ceremony in Seoul. He really, really looks forward to visiting this very country Philippines. But if not this year, I’m sure sometime in the first half of next year as we mark our 75th anniversary,” sabi ni Lee sa Pangulo.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na ikalulugod nitong maka-usap si Lee sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre.
“Of course, there are many other conferences and I hope that maybe in November when we go to the United States for the APEC because I’m sure your President will attend, maybe we’ll have a chance to at least meet and have a bilateral meeting,” sabi ni Pangulong Marcos.
“But after that, I think both sides now will be able to plan better. It’s been a busy year because we just finished our first year of this administration. So slowly, slowly, we are beginning to find ways to adjust our schedules to all these very important events that we are going through,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi rin ni Ambassador Lee na dadalaw sa Pilipinas sina South Korean National Assembly Speaker Kin Jin-Pyo at ang South Korean Foreign Minister ngayong taon.
Hangad umano ni Marcos ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at South Korea.
Ang South Korea ang ika-apat na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas noong nakaraang taon.