Calendar
Nakatiwangwang na lupa ng BuCor patataniman ng DA
GAGAMITIN ng Department of Agriculture (DA) ang mga nakatiwang-wang na lupa ng Bureau of Corrections (BuCor) bilang taniman upang makatulong sa pagpapataas ng produksyon ng pagkain sa bansa.
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda ng DA at Department of Justice (DOJ) kung saan nakasailalim ang BuCor, sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project.
Ang mga persons deprived of liberty (PDL) ang magtatanim sa mga lupa ng BuCor bilang bahagi na rin ng paghahanda sa kanilang paglaya.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na ang inisyatiba ay patunay na seryoso ang gobyerno na matugunan ang food security at rehabilitative justice sa bansa.
“It is more pragmatic and effective to allocate our scarce resources wisely and ensure that all our initiatives are aligned, coordinated, and integrated through a whole-of-nation approach,” ani Pangulong Marcos.
“Rest assured that this Administration will continue to reinforce these pursuits and fortify the foundation that we have laid by monitoring the progress of our projects,” sabi pa ng Pangulo.
Iginiit din ng Pangulo na prayoridad ng kanyang administrasyon ang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa bansa at makamit ang Zero Hunger sa ilalim ng Sustainable Development Goals.
“These twin priorities require cooperation amongst all disciplines and across all sectors. We must delve into the underlying causes of food insecurity, of poverty, inequality, and the lack of access to resources,” dagdag pa ng Pangulo.
Kumpiyansa rin ang Pangulo na mabibigyan ng bagong kakayanan ang mga PDL na kanilang magagamit sa kanyang reintegration sa lipunan.