Marianito Augustin

Love the Philippines, hindi ba’t ang kahulugan nito sa Tagalog ay Mahalin ang Pilipinas?

375 Views

BINABATIKOS ang “Love the Philippines” slogan at logo ng Department of Tourism (DOT). Subalit kung isasalin mo ito sa wikang Tagalog ang kahulugan nito ay “Mahalin ang Pilipinas?” Masama bang mahalin ang Pilipinas? Hindi ba’t obligasyon nating mga Pilipino ang mahalin ang Pilipinas?

Hindi ba tayo proud maging Pilipino? Hindi ba natin ikinatutuwa na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan ang mga lugar o tourist destinations na hinding-hindi mo makikta sa ibang bansa. Ang pagiging hospitable nating mga Pilipino, hindi bai to dahilan para masabi ng mga dayuhan na “Love the Philippines?”.

Kaya tama lamang ang pananaw ni Congressman Duke Frasco na kailangan natin pangatawanan ang pagsasabing “Love the Philippines” sapagkat kung tutuusin masyadong “blessed” ang Pilipinas pagdating sa napakaraming likas yaman o natural resources na mayroon ang ating bansa.

Sa sariling lalawigan mismo ni House Deputy Speaker at Congressman Duke Frasco sa Cebu City, matatagpuan ang mga magagandang tanawin. Nariyan ang Magellan’s Cross, ang makasaysayang lugar kung saan unang dumaong si Ferdinand Magellan noong 1521. Hindi mo ba masasabing Love the Philippines dahil dito?

Kaya naninindigan si Congressman Frasco na dapat manatili ang paggamit ng DOT sa “Love the Philippines” logo at slogan nito dahil hindi lamang ito tungkol sa issue ng tourism bagkos ang pagmamahal mismo sa Pilipinas sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan ng ahensiya.

Ayon kay Frasco, ang paggamit sa “Love the Philippines” ay hindi lamang pumapatungkol sa panghihikayat o pang-eenganyo ng Tourism Department sa mga dayuhang turista na bumista sa bansa. Sa halip, sinisimbulo umano nito ang pagmamahal natin sa ating sariling bayan.

Usapang Barangay: Si Brother Eric Olaguer, tapat na maglilingkod at magse-serbisyo

BAGAMA’T matagal-tagal pa ang Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections. Subalit ngayon pa lamang ay nagsisimula ng mag-ingay ang mga nagna-nais maglingkod sa kani-kanilang Barangay dito sa Metro Manila at maging sa iba’t-ibang lalawigan.

Isa ang kaibigan ko na nagna-nais maglingkod sa kanilang Barangay ay ang kasamahan kong Lay Minister sa Santo Domingo Church, Quezon City na si Brother Eric Olaguer na nais subukin ang paglilingkod sa Barangay Tatalon na sakop naman ng Santo Domingo Parish. Kung saan, naikuwento niya sa akin ang kaniyang mga programa.

Kung sakaling papalarin si Brother Eric Olaguer sa kaniyang endeavor o mithiin. Ang isa sa programang nais niyang tutukan ay ang programa ng edukasyon, sapagkat batid niya na hindi naman lahat ng kaniyang mga ka-barangay ay pinalad na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Minsan nga, habang kami’y nagkukuwentuhan ni Bro, Eric. Nabanggit niya sa akin na nahahabag siya sa kalagayan ng mga kabataan sa kanilang lugar. Dahil karamihan sa mga kabataan sa Barangay Tatalon ay tambay o yung hindi na pumapasok sa paaralan kaya kalunos-lunos ang kanilang sitwasyon.

Dahil dito, naramdaman ko ang malalim at taos pusong pagmamahal ni Brother Eric para sa kaniyang mga ka-Barangay partikular na para sa mga kabataan. Dahil ang sabi niya ay gagawin niyang priority ang pagkakaroon ng educational program para makapag-aral ang mga kabataan.

Naninindigan si Brother Eric na ang edukasyon ang pinaka-mahalagang sandata ng isang bata o kabataan na hindi kailanman mananakaw sa kaniya. Bukod dito, may ihahanda rin programa si Brother Eric para sa mga magulang ng mga batang ito para sila ay magkaroon ng livelihood sa tulong ng TESDA.

Nakikita kasi ni Brother Eric na kung magkakaroon ng pagkakakitaan o livelihood ang mga magulang ng mga bataong ito, mas magiging productive sila at maaari pa nitong mai-angat ang kanilang pamumuhay. Ang sabi pa ni Brother Eric, magkakaroon sila ng maayos at disenteng pagkakakitaan.

Sa nakikita, mayroong malinaw na programa ang ating kaibigan na si Brother Eric Olaguer para sa kaniyang mga ka-Barangay. Hindi siya kumakandidato para lamang magbilang ng butiki sa Barangay Council kundi maglingkod ng tapat para sa kaniyang mga constituents sa pamamagitan ng kaniyang magagandang programa.