BBM1

Marcos: Pagkupkop sa mga Afghan refugees pinag-aaralan

162 Views

PINAG-AARALAN umanong mabuti ng gobyerno ang hiling ng Estados Unidos na pansamantalang patuluyin sa Pilipinas ang mga Afghan refugees bago gumawa ng desisyon, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa Pangulo ang isyu ng pagtanggap sa mga Afghan national ay mas komplikado kumpara sa mga ginawang pagkupkop ng Pilipinas sa ibang refugee sa mga nagdaang panahon.

“I would like to manifest the Filipino instinct of hospitality,” ani Pangulong Marcos. “Many times had happened that there have been…situations around the world and may mga nagkaka-refugee, hindi tinatanggap kahit saan, tayo tinatanggap natin at hindi tayo kinakalimutan ng tinulungan natin. Eh ganyan talaga ang ugali ng Pinoy.”

“Ngunit ito ay ibang usapan ‘to kasi may halong pulitika, may halong…security so medyo mas kumplikado ‘to. So, we’ll look at it very, very well before making a decision,” dagdag pa ng Pangulo

Sinabi rin ng Pangulo na walang ibinigay na deadline sa hiling ng Amerika.

“What we are talking about is that we are trying to see what are the problems…what issues are arising. And in so doing, we are trying to find ways to remedy those issues that we feel are something that we have to deal with,” sbai pa ng Pangulo.

“So, we have made some progress but there are still some major obstacles to us being able to do it. But we continue to consult with our friends in the United States,” wika ng Punong Ehekutibo.