BBM2

PBBM ipo-promote PH sa Malaysia

172 Views

MAGTUTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia sa susunod na linggo para sa tatlong araw na state visit.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Ambassador Ma. Teresita Daza na makaka-usap ni Pangulong Marcos ang hari ng Malaysia at si Prime Minister Anwar Ibrahim kaugnay ng pagpapalakas ng bilateral relations ng dalawang bansa.

Inimbitahan umano si Pangulong Marcos at First Lady Marie Louise Araneta-Marcos ng hari ng Malaysia para bumisita mula Hulyo 25 hanggang 27.

“During this meeting, he will meet with both the Malaysian King, the 16th King of Malaysia, and the Prime Minister of Malaysia, and he will pursue bilateral cooperation in priority areas…are actually in support of the economic agenda of the country,” ani Daza.

Kasama umano sa pag-uusapan ang pagpapatatag ng relasyon ng dalawang bansa sa sektor ng agrikultura, food security, turismo, digital economy at people-to-people exchange.

Ang Pangulo ay sasamahan ng mga miyembro ng kanyang Gabinete at mga negosyante bilang bahagi ng trade and investment promotion ng bansa.

“We’re also expecting that the meeting with key Malaysian businessmen and business leaders will hopefully generate investment pledges from Malaysian companies,” dagdag pa ni Daza.

Ang Malaysia ay top 10 trading partner ng Pilipinas at ika-22 sa mga bansa na pinanggagalingan ng investment noong 2022.