Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Magsino

Pagbabalik Pilipinas ng apat na OFWs na nakulong sa Saudi Arabia dahil sa utang, ikinagalak ng OFW Party List Group

Mar Rodriguez Jul 22, 2023
195 Views

IKINAGALAK ng OFW Party List Group sa Kamara de Representantes ang pagbabalik Pilipinas ng apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakulong sa Middle East matapos nilang hindi mabayaran ang kanilang pagkaka-utang at kalaunan ay ipina-deport sila ng Saudi Government.

Pinasalamatan din ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan “Toots” Ople dahil sa ipinakita nitong pagsisikap at pagiging masigasig para makabalik ng Pilipinas ng ligtas ang apat na OFWs mula sa Saudi Arabia.

Dahil dito, pinalalahanan din ni Magsino ang mga OFWs na nagtatrabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo na maging maingat sa kanilang mga pagkaka-utang o mga pinagkaka-utangan katulad sa Saudi Arabia na nagpapatupad ng napaka-higpit na batas o “harsh law” kaugnay sa usapin ng utang.

Binigyang diin ni Congresswoman Magsino na kailangan maging maingat o “mindful” ang libo-libong OFWs sa ibayong dagat patungkol sa kanilang mga utang sapagkat may mga bans ana gaya ng Saudi Arabia ang napaka-higpit sa pagpapatupad ng batas laban sa mga taong may pagkaka-utang.

Sinabi din ni Magsino na ang dahilan ng pagkaka-kulong ng apat na OFWs ay alinsunod sa kabiguan nilang mabayaran ang kinuka nilang sasakyan o car loan. Kung saan, ang sinomang indibiduwal sa Saudi Arabia na hindi aniya makabayad ng kanilang utang ay maaaring ipakulong ng Executive Courts.

Gayunman, pinasalamatan pa ng kongresista ang DMW sapagkat ipinagkaloob ng ahensiya ang lahat ng kinakailangang tulong para sa apat na OFWs sa pamamagitan ng financial assistance. Kabilang na dito ang pagbibigay sa kanila ng libreng transportasyon pabalik sa kani-kanilang lalawigan.

Samantala, inilunsad naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar ang “Calamity Assistance” para sa pamilya ng mga OFWs sa Gapan City, Nueva Ecija na nasalanta ng bagyo noong July 14, 2023.

Namahagi ng P3,000 cash assistance ang OWWA Region 3 para sa mga OFWs na nasalanta ng kalamidad. Kabilang na dito ang mga nasalanta ng bagyo sa Dingalan. Kung saan, namahagi din sina Regional Director Millar ng P3,000 cas assistance para matulungan ang mga kaawa-awang OFWs