Tulfo

Tulfo kaisa ni PBBM sa pagpaganda ng ekonomiya

505 Views

MATAPOS ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw, July 24, 2023, sa Batasang Pambansa, game na nakipagselfie si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay Sen. Idol Raffy Tulfo.

Pinuri din ni Tulfo ang Pangulo sa talumpati nito.

Bilang chairperson ng Committee on Energy at Committee on Migrant Workers sa Senado, nachallenge si Sen. Idol na suportahan ang mga planong nabanggit ng Pangulo tungkol sa enerhiya at kapakanan ng OFWs at seafarers.

Una, sumasang-ayon si Tulfo sa pinagawang performance review ni PBBM para malaman ang kakulangan at kapabayaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang kalaunan ay tuluyan ng makansela ang prangkisa nito at mailipat na rin ang pamamahala at operasyon nito sa National Transmission Corporation (TransCo).

Pangalawa, ikinagalak ni Tulfo ang paglalatag sa Philippine Energy Plan ng pagsulong ng renewable energy na inaasahang aabot sa 50% ang paggamit sa buong bansa pagdating ng 2040.

Pangatlo, magandang balita naman para kay Tulfo ang ulat ni PBBM na maayos na ang sitwasyon sa pagdedeploy ng ating mga kababayan sa bansang Saudi Arabia kung saan umabot na sa 70,000 OFWs ang nai-deploy ng gobyerno; dagdag pa rito ay nabanggit ng Pangulo na pangako ng Saudi Arabian Crown Prince Mohammed bin Salman na babayaran na ang mga unpaid claims ng ating mga kababayan doon.

Kaisa sa mga adhikain at tagumpay ni PBBM na paunlarin ang ekonomiya at pagandahin ang buhay lalo na ng mga kababayan nating ‘poorest of the poor’, at suportado ito ni Tulfo.