NGCP

Mga proyekto ng NGCP pinamamadali ng PBBM

Neil Louis Tayo Jul 25, 2023
188 Views

PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga nakalinyang proyekto nito upang maging magkaka-ugnay ang mga planta ng kuryente sa buong bansa.

Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), binanggit ng Pangulo ang ulat ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nagsasabing 68 grid connection projects ng NGCP ay “much delayed.”

“We look to NGCP to complete all of its deliverables, starting with the vital Mindanao-Visayas and the Cebu-Negros-Panay interconnections,” ani Pangulong Marcos.

Kung magiging magkaka-ugnay ang grid ng bansa ay mas matitiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.

At sa paggagamitan umano ng One Grid, One Market ay mapapababa rin ang presyo ng kuryente sa buong bansa.

“The ‘One Grid, One Market’ will enable more efficient transfers and more competitive pricing of electricity throughout the country,” sabi ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na magsasagawa ang gobyerno ng performance review sa the NGCP bukod pa sa ginawang financial audit ng Department of Energy kamakailan.