Duke

House Deputy Speaker Duke Frasco nagbigay ng marubdob na pagbati para kay PBBM dahil sa magandang mensahe ng SONA nito

Mar Rodriguez Jul 25, 2023
165 Views

IPINAABOT ni House Deputy Speaker at 5th Dist. Cebu Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang marubdob na pagbati para kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa paghahatid nito ng malinaw at komprehensibong mensahe sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Dahil dito, binigyang diin ni Congressman Frasco na malinaw na nailatag ni Pangulong Marcos, Jr. ang lahat ng naging accomplishments at achievements ng administrasyon nito sa nakalipas na taon.

Ipinaliwanag din ni Frasco na naging malinaw din sa mensahe ng Punong Ehekutibo sa kaniyang ikalawang SONA ang paglalatag pa ng pamahalaan ng mga komprehensibo at konkretong hakbang para mai-angat ang kabuhayan ng mga mahihirap na Pilipino.

“I express my sincerest gratitude to our President for recognizing the efforts and dedication of each and every Filipino, especially the workforce — our farmers, our private partners, our government officials, school teachers, and health workers. Let us all continue to LOVE the Philippines,” ayon kay Frasco.

Ikinagalak din ni Frasco ang pagbanggit ng Pangulong Marcos, Jr. sa Liloan Port o Pier 88 sa Cebu City bilang isa sa mga pangunahing proyekto na magbibigay ng napakalaking infrastructure development hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa mga mamamayang Pilipino.

“His Excellency deserves the warmest congratulations for delivering a clear and comprehensive second State of the Nation Address. Indeed, the accomplishments and achievements that his Administration has attained in the past year have reassured us of his primary goal and aspiration to uplift the lives of every Filipino,” sabi ni Frasco.

Nauna rito, sinabi ng kongresista na malaki ang magiging pakinabang at benepisyo ng pagbubukas ng Liloan Port o Pier 88 para sa publiko o commuters mula sa lalawigan ng Bohol, Camotes Islands, Leyte at Cebu City. Kung saan, unang binalangkas ang proyekto sa kaniyang huling termino bilang Mayor ng Liloan.

Ipinaliwanag ni Frasco na ang Pier88 ay isang “development project” na pinanday at binuo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan o nabuong partnership sa pagitan ng Municipality ng Liloan, Pier 88 Ventures Inc., Topline Group of Companies at FL Port Management Corporation.