Tingog Party-list

Speaker Romualdez, Tingog party-list nagpaabot ng P117M ayuda sa mga biktima ni Egay

181 Views

AABOT sa P117 million na halaga ng relief goods at tulong pinansyal ang inilaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list para tulungan ang mga biktima ng Super Typhoon Egay sa Northern Luzon.

Ayon sa kay Romualdez, sisimulan ang pamamahagi ng tulong sa Huwebes.

“We hope the aid will ease the pain and suffering of our people who are affected by the super howler,” ani Speaker Romualdez, lider ng 312-kasapi ng Kamara de Representantes.

Patuloy na pinag-iingat ng House leader ang mga taga-Norte mula sa patuloy nap ag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa kabila ng pag-layo ng bagyo papalabas ng bansa.

Nanawagan din ang pinakamataas na lider ng Kamara de Representantes sa mga kinuukulang ahensya at local government units na agad magkasa ng pagsasa-ayos ng daan at imprasktraktura oras na bumuti na ang panahon.

Ayon kay Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang relief at financial assistance ay patunay sa malasakit ng liderato ng Kamara at pagtupad sa pangako na tulungan ang mga nangangailangan.

“We hope our kababayan in the north and their communities are able to recover fast from this adversity,” sabi ni Rep. Romualdez.

P22 million sa P117 million na ayuda ay hinugot mula sa personal calamity fund ng House Speaker kung saan bahagi ay galing sa kontribusyon ng mga kaibigan noong kaniyang kaarawan noong nakaraang taon.

Ang nalalabing P95 million ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development sa pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian.

Makailang ulit nang nagkipag-tulungan ang Speaker’s office at Tingog kasama si Rep. Jude Acidre para sa pagpapa-abot ng tulong at paglalabas ng AICS para sa mga biktima ng bagyo, sunog at iba pang kalamidad.

Hahatiin ang P117 million na tulong sa:

1. Ilocos Norte, 1st District (represented by Senior Deputy Majority
Leader Ferdinand Alexander A. Marcos): P1 million cash assistance, P2
million relief goods (5,000 packs), at P10 million AICS.

2. Ilocos Sur, 2nd District (Deputy Speaker Kristine
Singson-Meehan): P1 million cash, P2 million relief goods (5,000
packs), at P10 million AICS.

3. Cagayan, 1st District (Rep. Ramon C. Nolasco Jr.): P2 million
cash, P4 million relief goods (10,000 packs), at P20 million AICS.

4. Cagayan, 2nd District (Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso): P1
million cash assistance, P4 million relief goods (10,000 food packs),
at P20 million AICS.

5. Ilocos Sur, 1st District (Rep. Ronald V. Singson): P5 million AICS.

6. Cagayan, 3rd District (Rep. Joseph “Jojo” L. Lara): P1 million
cash, P1 million halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 million
AICS.

7. Benguet, Lone District (Rep. Eric Go Yap): P10 million para sa AICS,
P500,000 na cash assistance, at P1 million na halaga ng relief goods
(2,500 food packs).

8. Baguio City (Rep. Mark O. Go): P500,000 cash, P1 million na halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 million para sa AICS.