Barbers

Barbers pinuri si PBBM matapos tanggapin resignation ng 18 PNP opisyal na sangkot sa illegal drug trade

Mar Rodriguez Jul 27, 2023
139 Views

PINAPURIHAN ng Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na si Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace S. Barbers si President Ferdinand “Bongbong”R. Marcos, Jr. kaugnay sa naging pagkilos ng Punong Ehekutibo matapos nitong tanggapin ang resignation ng labing walong senior officers sa hanay ng Philippine National Police (PNP) na pinaniniwalaang sangkot sa illegal drug activities.

Dahil dito, binigyang diin ni Congressman Barbers na malinaw na ipinapakita ng naging hakbang ni Pangulong Marcos, Jr. na seryoso ito sa paglulunsad ng isang malawakang kampanya laban sa talamak na bentahan ng illegal na droga.

Sinabi pa ni Barbers na ang partikular na pupuntiryahin ng administrasyong Marcos, Jr. ay ang lantarang pagkakasangkot umano ng ilang tiwaling opisyal ng PNP sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng proteksiyon sa mga sindikatong nagpapasok ng ipinagbabawal na gamot sa bansa o sila ang nagsisilbing “padrino” ng nasabing illegal drug syndicate.

Ayon kay Barbers, bagama’t kakaiba ang estilo ni Pangulong Marcos, Jr. sa pagsawata o pagpuksa sa illegal drug trade sa Pilipinas kumpara sa estilo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Subalit ang mahalaga parin aniya ay ipinapakita ng kasalukuang administrasyon na seryoso ito na tuluyang durugin ang laganap na illegal drug trade sa bansa.

“Make no mistake about it. The President’s acceptance of the resignations of the 18 senior police officers allegedly involved in illegal drug trade is a welcome move and proves the seriousness of his resolve to curb the drug menace. This is a big win in our war on drugs,” Sabi ni Barbers.

Hinihikayat din ni Barbers ang mga mamamayan na ibigay nila ang kanilang 100% kooperasyon sa gobyerno upang lubusang maresolba ang problema ng illegal drug activities sa Pilipinas na bumibiktima ng napakaraming kabataan dahil sa pagkakalulong ng mga ito sa ipinagbabawal na gamot.

“Our united front in fighting his problem does not end here. We shall continue to be vigilant and steadfast in the performance of our duties so we can deliver to the people our promises of good governance,” Ayon pa sa mambabatas.

Tiniyak naman ni Barbers na bilang Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na, nakahanda aniya siyang makipagtulungan at suportahan ang Pangulo sa kaniyang commitment upang tuluyan ng mawasak ang napakalaking problema ng bansa kaugnay sa palasak na bentahan at paggamit ng illegal na droga sa pamamagitan ng rehabilitation at re-integration ng mga naging biktima ng illegal drugs.

“We trust the President and we fully support him in his commitment to end this curse and shifting course towards rehabilitation and re-integration of people victimized by illegal drugs. His recent move is but the start of reforming our police structure by replacing scalawags with people of unquestioned credibility, integrity and competence,” Dagdag pa ni Barbers.

Sa bandang huli, nananawagan din si Barbrs sa pamunuan ng National Police Commission (NAPOLCOM) na mahigpit nilang i-monitor ang mga police officials kabilang na ang kanilang mga performance upang agad na malaman kung sino-sino sa hanay ng PNP ang sangkot sa illegal drug activities.