Martin

Tulong ni Speaker Romualdez, Tingog sa mga nasalanta ng bagyong Egay lumobo

194 Views

DINAGDAGAN pa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng Tingog party-list ang tulong na kanilang ipinadala sa mga lubhang naapektuhan ng bagong Egay.

Umabot na sa kabuuang P128.5 milyong halaga ng financial assistance at relief goods ang tulong na ihahatid sa mga nasalanta ng bagyo simula ngayong araw.

“We hope the aid will ease the pain and suffering of our people who are affected by the super howler,” ani Speaker Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara de Representantes.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan na susugan ang pagsasaayos ng mga nasirang kalsada at mga imprastraktura kapag naaayon ang panahon.

Sinabi naman ni Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez na ang mga relief goods at financial assistance ay simbolo ng pagmamalasakit ng pamunuan ng Kamara sa mga taong nangangailangan.

“We hope our kababayan in the north and their communities are able to recover fast from this adversity,” ani Rep. Yedda Romualdez.

Sa P128.5 milyong tulong, P23.5 milyon ang nanggaling sa personal na calamity fund ni Speaker Romualdez. Ang naturang pondo ay nanggaling sa mga kontribusyon ng kanyang mga kaibigan na naipon noong ipagdiwang ang kanyang kaarawan noong nakaraang taon.

Ang P105 milyon naman ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian.

Ang tanggapan ni Speaker Romualdez at Tingog party-list kung saan nabibilang si Rep. Jude Acidre ay dati ng nagsasama para makapaghatid ng tulong sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng bagyo, sunog, at iba pang kalamidad.

Sa P128.5 milyon ay napunta sa mga sumusunod:

1. Ilocos Norte, 1st District (kinakatawan ni Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos): P1 milyong cash assistance, P2 milyong halaga ng relief goods (5,000 packs), at P10 milyong halaga ng AICS.

2. Ilocos Sur, 2nd District (Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan): P1 milyong cash assistance, P2 milyong halaga ng relief goods (5,000 packs), at P10 milyong AICS.

3. Cagayan, 1st District (Rep. Ramon C. Nolasco Jr.): P2 milyong cash assistance, P4 milyong halaga ng relief goods (10,000 packs), at P20 milyong AICS.

4. Cagayan, 2nd District (Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso): P1 milyong cash assistance, P4 milyong halaga ng relief goods (10,000 food packs), at P20 milyong AICS.

5. Ilocos Sur, 1st District (Rep. Ronald V. Singson): P5 milyong AICS.

6. Cagayan, 3rd District (Rep. Joseph “Jojo” L. Lara): P1 milyong cash assistance, P1 milyong halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 milyong AICS.

7. Benguet, Lone District (Rep. Eric Go Yap): P10 milyong AICS, P500,000 cash assistance, at P1 milyong halaga ng relief goods (2,500 food packs).

8. Baguio City (Rep. Mark O. Go): P500,000 cash assistance, P1 milyong halaga ng relief goods (2,500 food packs), at P10 milyong AICS.

9. Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” B. Magalong: P500,000 cash assistance, P1 milyong halaga ng relief goods (1,250 food packs), at P10 milyong AICS.