Lee

Lee: Agri hoarders, smugglers barilin sa Luneta

Mar Rodriguez Jul 29, 2023
136 Views

ANG sabi ko nga dati eh’ bakit pa ipapakulong. Barilin na ang mga agricultural hoarders at smugglers na iyan, dalhin na natin sila sa Luneta. Ikukulong pa natin, sayang lang ang ipapakain sa mga iyan. Ideretso na natin sa Luneta at barilin na silang lahat duon”.

Bagama’t sa pormang pagbibiro ang naging pahayag ni AGRI Party List Congressman Wilbert T. Lee sa panayam ng People’s Taliba. Subalit seryoso naman nitong sinabi na ang naging mensahe ni President Ferdinand “Bongbong”R. Marcos, Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) patungkol sa mga agricultural smugglers at hoarders ay nagpapakita na seryoso ang talaga ang pamahalaan upang labanan ang laganap na modus-operandi sa presyuhan o price manipulation ng mga produktong agrikultura sa bansa katulad ng sibuyas at bawang.

Sa panayam kay Lee, pabiro pa nitong ipinahayag na: “Ikukulong pa natin ang mga iyan. Huwag na, diretso na sa Luneta kasi sayang pa ang ipapakain mo sa mga iyan. Diretso ng barilin sa Luneta o kaya ay ihulog na lang sa Pasig River”.

Gayunman, ipinaliwanag ni Lee na alinsunod sa ibinigay na mensahe ng Pangulong Marcos, Jr. sa kaniyang SONA. Nakikita ng mambabatas na seryoso umano ang Punong Ehekutibo na tuldukan na ang nasabing problema na labis na nagpapahirap sa mga magsasaka partikular na sa mga consumers o mga mamimili.

Binigyang diin pa ni Congressman Lee na kailangang maisama din sa mga dapat kasuhan ang mga nagsisilbing protektor ng mga smugglers at hoarders na kinabibilangan mismo ng mga taong gobyerno na walang pakundangang nagbibigay ng proteksiyon sa nasabing sindikato.

“Nakaligtaan na dapat isabay yung mga kasabwat sa gobyerno. Sa ainihain natin panukalang batas, nakalagay duon na dapat kasuhan ang mga kasabwat sa gobyerno na nagbibigay ng proteksiyon sa mga taong ito,” Ayon kay Lee.

Ipinaliwanag ng kongresista na napakaraming kaso aniya ang isinasampa laban sa mga taong sangkot sa agricultural smuggling kabilang na dito ang mga hoarders. Subalit patuloy parin umano silang nakalaya dahil narin sa panghihimasok ng mga kasabwat nila sa gobyerno sa layuning sadyang mapahina o maibasura ang kasong isinampa laban sa kanila.

“Ang dami natin kasong isinasampa laban sa mga taong ito pero walang nako-convict. Kasi bakit? Una diyan, nawawala ang mga ebidenisya, nawawala iyong witness o kaya naman ay sinasadyang palabnawin ang kaso laban sa kanila dahil nga dito sa mg kasabwat na ito,” Dagdag pa ni Lee sa panayam ng People’s Taliba.

Dahil dito, muling binigyang diin ng mambabatas na kailangang maisama sa amendments ng batas ang mga taong kasabwat ng mga hoarders at smugglers matapos nitong ipahayag na:”Kailangan natin maisama sa amendments sa ating batas ang mga kasabwat sa gobyerno at kailangan silang parusahan”.