Pangandaman

Pakinabang ng bansa mas malaki kesa sa gastos sa biyahe ni PBBM

147 Views

MAS malaki umano ang pakinabang ng bansa kumpara sa ginagastos ng gobyerno sa mga biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kaugnay ng P1.408 bilyong pondo na inilaan para sa mga biyahe ni Pangulong Marcos sa 2024. Mas mataas ito kumpara sa P893.87 milyon na nakalaan ngayong taon.

“When I was asked previously po doon sa SONA kung ano po sa tingin ko ang nagawa ng… this administration in such a short time I think to bring us back to the map as an investment hub and opportunity po for other countries,” ani Pangandaman.

“Kami po, hindi lang po ang Presidente, even the economic managers, if you will notice po, we’ve been going out of the country to present the Philippines as an investment hub po. So, I think iyong expenses ng travel, as long as it will be beneficial and mas may advantage po para sa bansa natin, I think okay lang po iyon. It’s justified,” sabi pa ng kalihim.

Ayon kay Pangandaman maraming nasusungkit na pamumuhunan ang Pilipinas mula sa mga ginagawang pagbiyahe ng Pangulo.

Sa nakaraang tatong araw na biyahe ng Pangulo sa Malaysia, nakakuha ito ng $285 milyong investment pledge mula sa mga Malaysian company na nais na magtayo ng negosyo at palawigin ang kanilang mga kasalukuyang negosyo sa Pilipinas.