Antiporda

Accomplishment ni Antiporda fake news

203 Views
NAPATUNAYAN ng mga tauhan ng Commission on Audit (COA) na hindi totoo ang naging pahayag ni dating DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGUs) Concerns Benny Antiporda na sarado na ang lahat ng open dumpsite sa bansa noong Mayo 2021.

“In CY 2021, DENR announced the successful closing of all dumpsites nationwide. However, our validation from March to April 2022 revealed that not all dumpsites were successfully closed,” sabi ng ulat ng audit team.

Si Antioporda ay dating hepe ng National Irrigation Administration (NIA) na sinuspendi ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan ng walang suweldo habang iniimbestigahan.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng Ombudsman laban kay Antiporda sa reklamo ng mga empleyado kaugnay ng umano’y grave misconduct, harassment, at oppression.

“After a careful evaluation of the records, this Office finds that among the respondents, Respondent Benny D. Antiporda’s guilt is strong and that the case against him involves Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, and Oppression, which may warrant his removal from service,” sabi ng Ombudsman.

Matapos ito, itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Piddig, Ilocos Norte Mayor Eduardo Eddie Guillen bilang kapalit ni Antiporda sa NIA.

Ayon sa COA, mahigit 70 porsyento ng mga lokal na pamahalaan ang walang nagagamit na landfill.

Sa 1,634 local government units, tanging 478 o 29 porsyento lamang ang mayroon umanong nagagamit na sanitary landfills, batay sa 2021 data ng DENR-Environmental Management Bureau at National Solid Waste Management Council (NSWMC).

Ang mga numero ay nabanggit sa May 2, 2023 Performance Audit Report ng CoA kaugnay ng Solid Waste Management Program.

“As of CY 2021,the country has …245 total operational Sanitary Landfills (SLFs) only servicing 478 (29.25 percent) of 1,634 LGUs. Due to the limitation in disposal facilities, the operation of the illegal dumpsites could not be avoided in some LGUs,” sabi ng COA.

Ang mga open dumpsite sa Camarines Sur, Davao del Sur, Cebu, at Davao de Oro ay muli umanong binuksan.

Hindi umano nagtagal, umamin ang NSWMC na muling nagbukas ang mga dumpsite dahil walang mapagtapunan ang mga lokal na pamahalaan.

Si Antiporda ay naging alternate chairman ng NCWMC at chairperson ng Manila Bay Anti-Pollution Task Force.

Nagreklamo umano ang mga LGU ng ipasara ng DENR ang kanilang mga pinagtatapunan ng basura dahil wala naman umanong ibinigay na suporta para sa pagtatayo ng landfill o alok upang bayaran ang gastos sa paghahakot ng mga basura patungo sa landfill operator.